Provincial Youth and Sports Development Office
MISSION:
- Mahubog ang kakayahan at kasanayan ng mga kabataang Bulakenyo tungo sa mabuting pangangasiwa at aktibong paglilingkod sa pamayanan;
- Malinang ang mga kabataan bilang mabubuting mamamayan at lider; at
- Mahubog ang mga kabataan sa larangan ng isports o pampalakasan.
VISION:
Ang Kabataang Bulakenyo ay may malusog na pangangatawan, maunlad na kaisipan, maka-Diyos, makatao, makabayan, makakalikasan, may angking husay at talino na may kakayahang mapaunlad ang sarili at pamayanan.
MANDATE:
The Revised Rules and Regulations Implementing Republic Act (RA) No. 10742, otherwise known as the “Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015,” as amended by RA No. 11768 under Rule IV Sec. 27 states that “There shall be in every province, city, and municipality a Youth Development Office which shall be headed by a youth development officer with the rank of at least division chief. Such may be put under the Office of the LCE, the Office of the Planning and Development, the Office of the Social Welfare, or any other office deemed appropriate by the LGU. If the funds of the LGU are sufficient, it can be a separate department with divisions and units for policy and planning, administration and finance, and programs and operations.”
YOUTH DIVISION
PROGRAMS:
- Youth Development
Leadership training para sa mga kabataang lider at lingkod bayan na inaasahang magtutuloy at magsusulong ng mga adhikaing mag-aangat at magpapaunlad sa pamayanan.
Kinikilala natin ang malaking papel ng kabataan sa ating lipunan. Kung kayat ang ating lalawigan ay nagsikap na tupdin ang mga layuning pangkabataan na nakapaloob sa RA 10742 o Sangguniang Kabataan Reform Act of 2015, Kabanata 1, Seksyon 2 kung saan nakasaad ang mahalagang gampanin ng mga kabataan sa pag-unlad ng bayan at gayundin ang maisulong at maprotektahan ang kanilang pisikal, moral, ispiritwal, intelektwal at sosyal na kapakanan.
2. Gintong Kabataan Awards (GKA)
Ang Gintong Kabataan Awards (GKA) ay ang taunang pagbibigay ng parangal sa mga Kabataang Bulakenyo na may angking "K" - kahusayan at kakayahan. Ang parangal na ito ay itinataguyod ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth & Sports Development Office (PYSDO).
Ang GKA ay patuloy na umiinog sa buhay ng kabataang Bulakenyo. Ang mga natatanging kabataang naitanghal ay nagsilbing huwaran ng ibang kabataan. At dahil dito, patuloy na kinikilala sa buong bansa pati na rin sa buong mundo ang mga kabataang Bulakenyong may angking husay at talino.
- Boy/Girl Officials / Linggo ng Kabataan
Alinsunod sa itinatakda ng Republic Act No. 10742 o “SK Reform Act of 2015”, kaalinsabay ng pagdiriwang ng taunang “Linggo ng Kabataan” tuwing buwan ng Agosto ay isasagawa din ang paghahalal at pagtatalaga ng mga “BOY/GIRL OFFICIALS” upang bigyan ng pagkakataon ang ating mga Kabataan na maranasan at maunawaan ang paraan ng pagpapatakbo ng ating pamahalaan.
Program Partners:
- Sangguniang Kabataan Federation of Bulacan
- Pag-asa Youth Association – Bulacan Chapter (Association of Out-of-School Youth)
- Pangkaunlarang Konseho ng Kabataan ng Lalawigan ng Bulacan (PKKLB / Provincial Local Youth Development Council)
- Tagapagtaguyod at Tagapangasiwa ng Kabataan ng Bulacan (TATAK Bulacan / Association of Local Youth Development Officers)
- Gintong Kabataan ng Bulacan Alumni Association
- Kabataang Panlalawigan Nagkakaisa Laban sa Ipinagbabawal na Gamot (KAPANALIG) – Bulacan Chapter
SPORTS DIVISION
PROGRAMS:
- Summer Sports Clinic
Ginaganap taun-taon kada ika-2nd quarter ng taon, ang Summer Sports Clinic ay naglalayong mas paramihin ang kaalaman ng ating mga kabataang atletang Bulakenyo sa paglalaro ng iba't ibang isport. Ang ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
- Badminton
- Chess
- Lawn Tennis
- Swimming
- Taekwondo
- Batang Pinoy
Nagsimula pa noong taong 1999, ang Batang Pinoy ay pambansang pampalakasan ng Philippine Sports Commission (PSC) para sa edad 17 pababa na nilalahukan ng ating lalawigan ng Bulacan upang mas pataasin ang antas ng paglalaro nang ating mga manlalarong Bulakenyo.
- Philippine National Games
Ang Philippine National Games o PNG ay pambansang pampalakasan na nagbibigay oportunidad sa mga manlalaro ng ating nasasakupan na edad 18 pataas.
- Little League
Ito ay ang tinaguriang pinakamataas na paligsahan ng softball at baseball sa mundo. Ang paglahok ng ating koponan sa little league kada taon ay isang kompetisyon na patuloy na sinusuportahan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan upang patuloy na tumaas ang kalidad ng paglalaro ng ating mga softball at baseball teams.
- CLRAA
Ang Central Luzon Regional Athletic Association o CLRAA Meet ay ang paligsahan na nilalahukan ng mahigit 17 probinsya at lungsod mula sa Rehiyon 3 o ang Gitnang Luzon. Nilalayon ng paligsahan na makuha ng ating rehiyon ang pinakamalalakas na manlalaro na magrerepresenta sa ating Rehiyon para sa Palarong Pambansa. Ang Lalawigan ng Bulacan ay aktibong nakikilahok sa taunang paligsahan na ito kung saan atin muling nakuha ang over-all champion noong taong 2023.
- Sports Development
Ang Provincial Sports Division ay patuloy sa kanilang dedikasyon na pagpapalakas at pagpapaunlad ng ating kaalaman at kasanayan sa larangan ng sports katulad ng pagbibibgay ng mga free seminars, trainings at try-outs sa mga kabataang atletang Bulakenyo.
- Bulacan Universities and Collegiate Athletics Association (BUCAA)
Ang BUCAA tournament at paliga na ang mga nagsisilahok ay mga pampubliko at pribadong kolehiyo at unibersidad sa lalawigan ng Bulacan.
Program Partners:
- Department of Education
- Philippine Sports Commission
- National Academy of Sports
- Little League Philippines
- Bulacan Sports Council Federation Inc.
CONTACT INFORMATION:
Atty. Nikki Manuel S. Coronel
Department Head (OIC)
Mailing Address:
Provincial Youth and Sports Development Office
Blas F. Ople Building Sentro ng Kabataan, Kaalaman at Hanapbuhay
(Provincial Livelihood Training Center)
Capitol Compound, City of Malolos, Bulacan, Philippines 3000
Telephone Nos: +63(44) 764-1268; +63(44) 903-5240 (Bulacan Sports Complex)
Email: pysdo@bulacan.gov.ph
bulacanyouth.pgb@gmail.com
pyspesosportsdivision@gmail.com
atty.nikki.coronel@bulacan.gov.ph