General Info
Basic Information you need to know about Bulacan
Jacinto Molina (1938-1940)
Tubong Bulacan, Bulacan, Nahalal at naglingkod bilang Gobernador noong 1938 hanggang 1940. Sa Panahon ng kanyang panunungkulan ay naikuha niya ang pamahalaan ng lugar para sa provincial nursery sa Tabang Guiguinto. Nagpatayo rin ng mga nursery buildings at noong Disyembre 1938 ang Ipo Dam sa Norzagaray na sinumulang ipatayo noong 1935 ay nakumpleto. Ang flashboard ng nasabing dam ay may habang 124 metro at ang luwang mula sa ibabaw hanggang ilalim ay 12 metro. Ito ay nagtutustos ng 115 milyong gallon ng tubig sa La Mesa Dam reservoir patungo sa Balara. At mula roon ang tubig ay nagtungo sa Maynila at mga karatig na lugar para sa gamit ng tao. Ito ay may maximum flow na 15,000 cu.m/sec. at minimum flow na 3.7 cu.m/sec. Ang Ipo Dam ay nasa water shed at may lawak na humigit kumulang sa 63,000 ektarya.