General Info
Basic Information you need to know about Bulacan
Cirilo B. Santos (1931-1934)
Isinilang nuong Oktubre 14, 1876 sa San Miguel, Bulacan, Nagaral sa San Juan de Letran at nagtapos ng Bachelor of Laws sa Unibersidad ng Sto. Tomas. Naging konsehal ng bayan, hukom tagapamayapa, at kasapi ng mga Lupon ng mga Paaralan sa Bulacan. Sa paghihimasik laban sa kastila at Amerkano, lumaban sa ilalim ng command ni Col. Pablo Tecson na may ranggong Unang Tenyete. Nahalal na kinatawan para sa ikalawang distrito noong 1919 at noong 1928, Nahalal na gobernador sa halalang ginanap noong Hunyo 2, 1931. Sa Panahon ng kanyang panunungkulan ay nahingi niya mula sa pamilya ni Don Antonio Bautista ang lupang kasalukuyang kinatatayuan ng Bulacan Provincial Hospital at naipagawa ang maikling daan sa pagitan ng Tabang at Poblacion, Guiguinto noong 1932.