The Provincial Government of Bulacan (PGB) stands firm on the platform of equality and fairness. The PGB recognizes the diversity of all its personnel and ensures that each employee is given equal opportunity in all aspects of human resource management and development.
The PGB commits itself to the strict implementation of all existing laws, policies, and issuances on fairness and equality. It shall continue to promote a harmonious and conducive working environment that respects the individual differences of its employees and integrates into its organizational practices the principles of justice and impartiality.
Being one of the most progressive provinces in the country, the PGB guarantees that all aspects of human resource management and development shall be implemented without any discrimination on account of age, sex, gender, sexual orientation, gender identity, gender expression, civil status, disability, religion, race, ethnicity, social status, income class, political affiliation or other similar factors or personal circumstances.
The PGB recognizes and upholds the value of equity to development; thus, it ensures that discrimination in any form has no place in all its offices. It commits to establish and implement consistent human resource systems and practices namely: 1. Recruitment, Selection and Placement (RSP); 2. Learning and Development (L&D); 3. Performance Management (PM); 4. Rewards and Recognition (R&R); and 5. Employee Welfare and Benefits that is expected to promote Equal Employment Opportunity.
******
Ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan (PGB) ay matatag ang paninindigan sa adhikain ng pagkakapantay-pantay at pagka-makatarungan. Ang pamahalaang panlalawigan ay kinikilala ang pagkakaiba-iba ng lahat ng kanyang mga kawani at tinitiyak na ang bawat kawani ay binibigyan ng pantay na pagkakataon (equal opportunity) sa lahat ng aspeto ng pamamahala at pagpapaunlad ng kakayahang pantao.
Ang PGB ay nangangako sa mahigpit na pagpapatupad ng mga umiiral na batas, alituntunin at kalatas hinggil sa pagkakapantay-pantay at pagka-makatarungan. Patuloy ang pagsusulong at pagpapatupad ng isang kaaya-ayang lugar-paggawa na gumagalang sa mga pagkakaiba-iba ng mga kawani habang ipinapatupad at sinasaklaw bilang isang kasanayan ang panuntunan ng katarugan at walang kinikilingan.
Bilang isa sa mga pinakamaunlad na lalawigan sa bansa, ang PGB ay nangangako na ang kabuuang aspeto ng pamamahala at pagpapaunlad ng kakayahang pantao ay ipapatupad ng walang pagtatangi batay sa edad, kasarian, gender, sexual orientation, gender identity, gender expression, kalagayang sibil, kapansanan, relihiyon at paniniwala, lahi, kalagayang panlipunan, income class, kaugnayang politikal at iba pang kahalintulad na salik o pansarili na kalagayan.
Ang PGB ay kinikilala at ipinapatupad ang kahalagahan ng pagkakapantay-pantay sa kaunlaran kaya’t tinitiyak namin na ang diskriminasyon o pagtatangi sa anumang anyo o uri nito ay walang lugar sa alinmang tanggapan o pagamutan. Kami ay nangangako sa pagpapatupad ng naaalinsunod na pamamaraan at kasanayan sa kakayahang pantao sa mga sumusunod: 1. Recruitment, Selection and Placement (RSP); 2. Learning and Development (L&D); 3. Performance Management (PM); 4. Rewards and Recognition (R&R); at 5. Employee Welfare and Benefits na inaasahang magsusulong ng Equal Employment Opportunity.