Provincial Government of Bulacan

Abiso mula sa Securities and Exchange Commission

Nais ipaalam ng Securities and Exchange Commission (SEC) sa publiko na ang mga indibidwal at grupo na nasa abisong ito ay nanghihikayat ng pamumuhunan nang walang kaukulang lisensya mula sa Komisyon. Natuklasan na ang mga ito ay nag-aalok at nangangalap mula sa publiko ng investment o anumang halaga kapalit ng pangakong kita, tubo, o interes.

Tandaan na ang mga ito ay HINDI REHISTRADO o WALANG PAHINTULOT mula sa SEC upang mangalap ng investment mula sa publiko.

I-sumbong ang mga iligal na gawain na katulad ng mga ito sa aming Enforcement and Investor Protection Department (EIPD) sa imessage.sec.gov.ph o kaya sa aming tanggapan sa Tarlac Extension Office sa numerong 0931-791-4841 at sa email address na secteo@sec.gov.ph.

Mangyaring i-verify kung rehistrado sa SEC at may secondary license ang kompanya sa checkwithsec.sec.gov.ph o kaya ay idownload ang SEC Check App sa Apple App Store at Google Play Store.

BASAHIN ang kabuuan ng advisory dito:

https://www.sec.gov.ph/investor-education…/advisories
#magINVESTiga #HuwagMagingBiktima #CheckWithSEC

Source: SEC Tarlac Extension Office