• Buy Generic ViagraBuy Generic online without prescription. Order cheap medicaments no prescription
  • Pharmacie en franceAcheter medicaments Sans Ordonnance
  • Farmacia espanolaDonde Comprar genericos sin receta
  • Medical assistant onlineBuy Generic viagra online no prescription
  • Assistant Medical en lignepharmacie en ligne france
  • Downloading ZoneFree Download apps and software
  • Home General Info Business Tourism Government Cities & Municipalities
    Veterinary Programs
    PROVINCIAL RABIES ORDINANCE

    KAPASYAHAN BLG. 078-T’08

    “Kapasyahan na nagtatakda ng mga Patakaran at Kaparusahan sa Pag-iwas at Pagsugpo sa Paglaganap ng Rabis sa Tao at Hayop”

    ANTI-RABIES PROGRAM

    SAMA-SAMA NATING SUGPUIN ANG RABIS

    Ang Bulacan ay isa sa mga lalawigan na may mataas na kaso ng rabis. Tinatayang mga 15-20 Bulakenyo ang namamatay sa ating lalawigan taon-taon dahil sa rabis.

    Ano ang RABIS?

    Ang RABIS ay isang mapanganib na sakit na nakakahawa at nakakamatay. Ito ay sanhi ng mikrobyo sa laway ng hayop na may rabis. Ito ay nalilipat sa tao sa pamamagitan ng kagat ng hayop na may rabis, karaniwan ay aso, o kapag nalagyan ng laway ng hayop na may rabis ang sariwang sugat o gasgas.

    Paano napipinsala ng rabis ang katawan ng tao?
    • Ang virus ng rabis ay nanunulay sa ugat na malapit sa lokasyon ng sugat. Ito ay unti-unting dadaloy hanggang makarating sa utak. Kapag ang virus ay nakarating na sa kanyang destinasyon, ang biktima ay makararanas ng pananakit ng ulo, lagnat, pananakit ng lalamunan, pagkabalisa, halusinasyon, pagkatakot sa tubig at pagkaparalisa. KAMATAYAN ang kinahihinatnan ng isang taong makakaranas ng mga ganitong sintomas na huling bahagi ng sakit na rabis.

      Ngunit, ang sakit na ito ay maaaring MAIWASAN sa pamamagitan ng agarang pagpapagamot sa oras na makagat ng aso o pusa.

    • Ang mga batong buhay o anu pa man na ginagamitng mga tandok o tawak ay hindi nakakatulong sa pagtanggal ng rabis. Sapagkat ang virus nito ay sadyang napakaliit na humahalo sa dugo ng tao. Hindi ito nakukuha sa pamamagitan ng pagsipsip lamang. TANGING PAGBABAKUNA LAMANG ang epektibong solusyon upang hindi humantong sa kamatayan ang nakagat ng aso/pusang may rabis. Siguraduhin lamang na kumpletuhin ang programa ng bakuna para sa mas epektibong paglaban sa rabis.
    Paano maiiwasan magkaroon ng rabis ang inyong alagang aso at pusa?
    1. Ikulong o itali at huwag pabayaang gumala sa labas ng inyong bahay o bakuran ang inyong mga alagang aso at pusa.
    2. Paliguan at pakainin ng sapat ang inyong alagang aso at pusa sa tuwina.
    3. Panatilihing malinis at maayos ang kanilang mga kulungan.
    4. Pabakunahan sila laban sa rabis sa edad na (3) tatlong buwan at taun-taon pagkatapos.
    5. Sumangguni sa pinakamalapit na beterinaryo upang mabigyan kyo ng wastong kaalaman.
    Ano ang dapat gawin kung nakagat ng aso o pusa?
    1. Hugasan at sabunin ang sugat mula sa dumadaloy na tubig.
    2. Obserbahan ang aso/pusa sa loob ng labing-apat (14) na araw.
    3. Sumangguni sa doktor o sa pinakamalapit na Health Center/Animal Bite Center.
    4. Kung namatay ang aso/pusa, putulin ang ulo nito, ingatan lamang na matalsikan ng dugo habang pinuputol ang ulo nito. Ibalot sa matibay na plastic bag at ilagay sa ice chest (Styrofoam) na may maraming yelo. Dalhin o ipadala agad ang ulo nito sa Rabies Diagnostics Laboratory, Provincial Veterinary Office, Capitol Compund, City of Malolos, Bulacan upang masuri kung may virus ito.
    Para sa karagdagang impormasyon, makipag-ugnayan sa:

    PROVINCIAL VETERINARY OFFICE (PVO)
    Capitol Compound, City of Malolos, Bulacan
    Email: voltaire_basinang@bulacan.gov.ph, lei_principe@yahoo.com
    Contact No.: 09322136334

    o sa Panglungsod na Beterinaryo o sa pinakamalapit na Pambayang Tanggapan sa Pagsasaka
    © 2007 Provincial Government of Bulacan, Philippines. Developed by the Provincial Information Technology Office.
    Experience Bulacan