Home General Info Business Tourism Government Cities & Municipalities
PAGDEDEKLARA SA IKA-2 NG ABRIL, 2012 BILANG SPECIAL NON-WORKING DAY SA LALAWIGAN NG BULACAN
By: GO
Friday, 30 March 2012
MEMORANDUM : GO-2012-49

PARA SA : LAHAT NG PUNONG BAYAN/PUNONG LUNGSOD; LAHAT NG PINUNO AT KAWANI; Pamahalaang Lalawigan at Nasyonal; LAHAT NG PAMPUBLIKO AT PRIBADONG PAARALAN; LAHAT NG PRIBADONG TANGGAPAN; Lalawigan ng Bulacan

PAKSA : PAGDEDEKLARA SA IKA-2 NG ABRIL, 2012 BILANG SPECIAL NON-WORKING DAY SA LALAWIGAN NG BULACAN BILANG PAGGUNITA SA KAARAWAN NI GAT. FRANCISCO “BALAGTAS” BALTAZAR
______________________________________________________________________________________

Alinsunod sa Provincial Ordinance No. C-004 o kilala bilang “An Ordinance Enacting the New Provincial Administrative Code of Bulacan”, Chapter II, Section 27, The Provincial Legal Holidays, at Presidential Proclamation No. 355, “Declaring Monday, April 2, 2012 as a Special Non-Working Day in the Province of Bulacan”, na may petsang Marso 27, 2012, ang ika-2 ng Abril ay idinedeklara bilang special non-working day sa Lalawigan ng Bulacan bilang paggunita sa kaarawan ng ating magiting na bayani at mahusay na Pilipinong makata, GAT. FRANCISCO “BALAGTAS” BALTAZAR.

Kaugnay nito, mangyaring ipabatid sa lahat ng inyong nasasakupan ang hinggil sa mahalagang araw na ito sa kasaysayan ng ating lalawigan, at sama-sama nating gunitain ang araw ng kanyang pagsilang sa pamamagitan ng pagkilala sa kanyang mga kontribusyon, hindi lamang sa ating dakilang lalawigan, kundi sa buong bansa.

Kalakip nito ang sipi ng Presidential Proclamation No. 355, bilang inyong reperensya.

Para sa inyong kabatiran at patnubay.

original signed
WILHELMINO M. SY-ALVARADO
Punong Lalawigan

Back to Announcements Menu
© 2007 Provincial Government of Bulacan, Philippines. Developed by the Provincial Information Technology Office.
Experience Bulacan