Home General Info Business Tourism Government Cities & Municipalities
IKA-3 NG PEBRERO, 2012, SPECIAL NON-WORKING DAY SA LALAWIGAN NG BULACAN BILANG PAGGUNITA SA KAARAWAN NI GAT BLAS F. OPLE
By: GO
Thursday, 26 January 2012
Alinsunod sa Proclamation No. 323 “Declaring Friday, 3 February 2012, As A Special (Non-Working) Day in the Province of Bulacan”, na pinagtibay noong ika-25 ng Enero, 2012, ang ika-3 ng Pebrero, 2012 ay idinedeklara bilang Special Non-Working Day sa buong Lalawigan ng Bulacan bilang paggunita sa kaarawan ng ating magiting na mambabatas at manunulat, Gat Blas F. Ople.

Kaugnay nito, mangyaring ipabatid sa lahat ng inyong nasasakupan ang hinggil sa mahalagang araw na ito ng kasaysayan ng ating lalawigan, at sama-sama nating gunitain ang araw ng kanyang pagsilang sa pamamagitan ng pagkilala sa kanyang mga kontribusyon, hindi lamang sa ating dakilang lalawigan, kundi sa buong bansa.

Para sa inyong patnubay.

original signed
WILHELMINO M. SY-ALVARADO
Punong Lalawigan


Back to Announcements Menu
© 2007 Provincial Government of Bulacan, Philippines. Developed by the Provincial Information Technology Office.
Experience Bulacan